Hindi po ginawa ang PBA para magaway away ang mga fans ng bawat team. Ginawa po Ito para maging inspirasyon sa lahat ng nanunuod Hindi po para magsimula ng away. May Kanya Kanya po tayong pananaw at kalayaan na pumili ng team na susuportahan pero wala po sa kalayaang yun ang magsabi ng masasama tungkol sa ibang teams. Kung ung mga players nga po na syang kinakalaban ang isat Isa Hindi po nagkakaaway at magkakaibigan, Alam po kasi ng bawat player na iyon ay isang laro at magkakalaban man in court lang pero magkaibigan in real life.
Isa pa po, wala po tayong karapatang magsabi ng kung ano ano tungkol sa isang player o sa team. Hindi po porket Hindi maganda ang laro eh laos na, tao lang din po kasi sila, Hindi isang super human. At Hindi po natin sila ganun kakilala para husgahan. Sapat na po ang makitang ginagawa nila ang best nila para makalaban. Nanunuod lang po tayo, sila ung nagpapawis at nahihirapan. Lahat po ng tao dumadaan sa panahong down sila, normal lang po un. Halimbawa po si JAMES YAP, Isa po syang star player at sanay po tayong magandang maganda ung laro nya. Mahirap din po ung maging isang JAMES YAP kasi po nakakalimutan ng mga tao na he is still a human. Isa pa, madami na rin pong times na iniangat nya ang team, wag naman po sana natin ung kalimutan. At bakit po ganun, kapag naipanalo ni james ung laro, umaapaw po ang praises at lumalabas ung mga go james!, you are the hero!, we are solid mixers!, pero pag natalo, sa kanya lahat ng sisi. Parang unfair naman po ata un sa kanya. Isa pa ung teammates nga po nya, naiintindihan sya eh at never syang sinisi sa pagkatalo kasi alam nila na malaki na rin ung naitulong ni james sa mga tagumpay nila. And they are called as a team to support and help each other, pamilya sila. Konteng respeto naman po sa bawat Isa.
Godbless po!
Ang dami po kasing nanghuhusga sa San Mig at kay James.
No comments:
Post a Comment