Labels
Wednesday, September 5, 2012
PTV 4 SPORTS Sept 5 Edition Summary
For those who missed the show, here are some of our big stories earlier
TEAM PHL, NAKIPAGTABLA SA HUNGARY SA 7TH ROUND NG WORLD CHESS OLYMPIAD
NANANATILING WITHIN STRIKING DISTANCE ANG TEAM PHILIPPINES
SA KANILANG ASAM NA MAKOPO ANG KAMPEONATO NG 40TH EDITION NG WORLD CHESS OLYMPIAD SA ISTANBUL, TURKEY.
ITO’Y MATAPOS NA MAKIPAGTABLA ANG MGA PINOY WOODPUSHERS SA 4TH-SEED NA HUNGARY, SA 7TH ROUND.
NAISALBA NI GRANDMASTER EUGENE TORRE ANG PILIPINAS MULA SA POSIBLENG PAGKATALO, MATAPOS NA PASUKUIN NIYA SI FELLOW GRANDMASTER FERENO BERKES SA LOOB NG 81 MOVES SA BOARD THREE.
KAPWA NAKIPAGTABLA NAMAN SINA GRANDMASTERS WESLEY SO AT MARK PARAGUA LABAN SA KANI-KANILANG KARIBAL SA BOARDS ONE AT FOUR, HABANG YUMUKOD NAMAN SI GRANDMASTER OLIVER BARBOSA KAY GRANDMASTER ALMASI ZOLTAN SA BOARD TWO.
SA NGAYON AY NAKIKISALO PA RIN ANG PILIPINAS SA 4TH TO 12TH PLACES SA KANILANG NALILIKOM NA 11 POINTS, AT TAYO AY NAGHAHABOL NG DALAWANG PUNTOS SA SOLO LEADER NA RUSSIA.
[END]
TANDEM NINA REYES AT BUSTAMANTE, SUMARGO NG PANALO SA WORLD CUP OF POOL OPENER
HINDI BINIGO NG TANDEM NINA EFREN “BATA” REYES AT FRANCISCO “DJANGO” BUSTAMANTE ANG HOME FANS SA PAGSISIMULA NG KANILANG KAMPANYA SA 2012 WORLD CUP OF POOL.
IPINAKITA NI REYES KUNG BAKIT SIYA TINAWAG NA “THE MAGICIAN” AT NAGSAGAWA NAMAN SI BUSTAMANTE NG PRECISION SA POCKETING, UPANG PATALSIKIN NILA ANG HONG KONG PAIR NINA LEE CHENMEN AT KENNY KWOK, 8-3.
ANG SUSUNOD NA MAKAKAHARAP NINA REYES AT BUSTAMANTE AY ANG CANADIAN PARTNERSHIP NINA ALEX “THE LION” PAGULAYAN AT JOHN MORRA.
[END]
PACQUIAO, MULING AAKYAT NG RING SA DECEMBER 08
SIGURADONG-SIGURADO NA ANG PAGSAMPA NG RING NI MANNY PACQUIAO SA DECEMBER 08.
ITO’Y DAHIL IPINA-RESERBA NA NG TOP RANK PROMOTIONS SA MGM GRAND SA LAS VEGAS, NEVADA ANG NASABING PLAYDATE PARA SA NEXT FIGHT NG PINOY RING ICON.
PERO SA PANAYAM NI AMERICAN BOXING WRITER BRAD COONEY, NAGING MAILAP PA RIN SA PAGLALAHAD NG DETALYE SI TOP RANK FOUNDER BOB ARUM.
KWENTO NG 6-DECADE OLD BOXING PROMOTER, DAHIL SA REQUEST NI PACQUIAO AY AYAW PA MUNA NIYANG BANGGITIN KUNG SINO KINA JUAN MANUEL MARQUEZ AT TIMOTHY BRADLEY ANG SUSUNOD NA MAKAKASALO SA RING NG PINOY SOUTHPAW.
ANUMANG ARAW NGAYONG LINGGO AY BALAK NG TEAM PACQUIAO NA I-ANUNSYO KUNG SINO ANG KANILANG MAGIGING NEXT RIVAL.
SA SEPTEMBER 14 O 15 AY LILIPAD SI PACQUIAO PATUNGONG ESTADOS UNIDOS, UPANG PERSONAL NA I-ALOK SA PUBLIKO ANG KANYANG NEXT FIGHT SA PAMAMAGITAN NG ILANG SERYE NG PROMOTIONAL TOUR.
[END]
NISHIOKA, AMINADONG MABIGAT NA KALABAN SI DONAIRE
AMINADO SI WBC EMERITUS CHAMPION TOSHIAKI NISHIOKA NA MABIGAT NA KALABAN SI WBO AT IBF SUPER-BANTAMWEIGHT KING NONITO “THE FILIPINO FLASH” DONAIRE.
AYON KAY NISHIOKA, ITO NA MARAHIL ANG PINAKA-MALAKING LABAN NG KANYANG BOXING CAREER BUHAT NANG TALUNIN NIYA SI MEXICAN RAFAEL MARQUEZ NOONG OKTUBRE.
MATAGAL NANG INAASAM NI NISHIOKA NA MAKASAGUPA SI DONAIRE AT SA SOBRANG EXCITEMENT AY GUSTO NANG HATAKIN NG JAPANESE FIGHTER ANG MGA ARAW UPANG MAGANAP NA ANG BAKBAKAN NILA NG PINOY RIVAL.
ISANG BAGAY ANG SINISIGURO NI NISHIOKA, AT ITO AY MAGIGING EXCITING ANG SAGUPAAN AT DAPAT NA BANTAYAN NI DONAIRE ANG BILIS NG KANYANG MGA KAMAO.
[END]
GILAS PILIPINAS, OPTIMISTIKO SA KANILANG PAPALAPIT KAMPANYA SA FIBA-ASIA CUP
SKY HIGH ANG KUMPYANSA NG GILAS PILIPINAS NATIONAL TEAM SA KANILANG PAPALAPIT NA KAMPANYA SA FIBA-ASIA CUP SA TOKYO, JAPAN.
DATING KILALA SA TAWAG NA STANKOVIC CUP, ANG FIBA-ASIA CUP AY MAGIGING KONGREGASYON NG MGA PINAKA-MABIBIGAT NA MEN’S BASKETBALL COUNTRIES SA ATING KONTINENTE.
ANG TORNEONG ITO NA IDARAOS MULA SEPTEMBER 14 TO 22 AY ANG MAGIGING PINAKA-MABILIS NA RUTA PATUNGONG 2013 FIBA-ASIA CHAMPIONSHIPS.
KASAMA NG PILIPINAS SA GROUP-A ANG CHINA, LEBANON, MACAU AT UZBEKISTAN, HABANG NASA GROUP-B NAMAN ANG IRAN, CHINESE TAIPEH, QATAR, JAPAN AT INDIA.
AYON KAY GILAS PILIPINAS STREAK SHOOTER GARY DAVID, MABIGAT ON PAPER ANG TALAAN NG MGA KALABAN, PERO KAYANG MAGPAKITANG GILAS NG MGA PINOY DRIBBLERS.
ANG ASIAN POWERHOUSE NA CHINA ANG UNANG MAKAKATAPAT NG GILAS PILIPINAS NI COACH CHOT REYES SA OPENING DAY.
[END]
SAN MIG COFFEE, NAGBALIK-ENSAYO NA
SA PAGBISITA NG PTV SPORTS SA UNANG PRACTICE SESSION NG SAN MIG COFFEE SA RONAC GYM, INIHAYAG NI ASSISTANT COACH RICHARD DEL ROSARIO NA TODO POKUS SILA NGAYON SA ENSAYO, PARA MAIBALIK SA COMPETITIVE FORM ANG KANILANG MGA PLAYERS.
OPTIMISTIKO SI DEL ROSARIO SA TSANSA NG KANYANG KOPONAN SA PAPASOK NA SEASON, AT ANG TANGING CONCERN LAMANG NIYA AY KUNG PAANO MAG-AADJUST ANG KANILANG MGA ROOKIES SA LEBEL NG LARO SA PROFESSIONAL LEAGUE.
ANG PETRON BLAZE BOOSTERS, BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL, TALK N TEXT TROPANG TEXTERS AT ALASKA ACES AY ANG ILAN LAMANG SA MGA ITINUTURING NI DEL ROSARIO NA TEAMS TO BEAT SA 38TH SEASON NG LIGA.
SA PANIG NAMAN NI POWER FORWARD MARC PINGRIS, SA TINGIN NIYA AY LALO SILANG LUMAKAS NGAYON, DAHIL SA PAGKAKADAGDAG NINA ROOKIE ALDRECH RAMOS AT FREE AGENT GUARD CRIS PACANA.
SAMANTALA, IKINAGULAT NAMAN NI INCOMING SOPHOMORE POINT GUARD MARK BARROCA ANG ULAT NA NASA TRADING BLOCK SIYA.
KWENTO NG DATING GILAS PILIPINAS STALWART, KAMAKAILAN LAMANG AY TINIYAK PA SA KANYA NI HEAD COACH TIM CONE NA WALANG TATANGGALIN SA CORE NG KANILANG GRUPO.
[END]
WOMEN’S SINGLES TITLE NG U-S OPEN, HUMULAGPOS NA KAY STOSUR
HUMULAGPOS NA SA MGA KAMAY NI DEFENDING CHAMPION SAMANTHA STOSUR ANG WOMEN’S SINGLES TITLE NG U-S TENNIS OPEN SA FLUSHING MEADOWS, NEW YORK.
ITO’Y MATAPOS NA YUMUKOD SIYA KAY TOP-SEED VICTORIA AZARENKA NG BELARUS—6-1, 4-6 AT 7-6, SA QUARTERFINAL.
NAPAGLABANAN NI AZARENKA ANG MATINDING COMEBACK NA ISINAGAWA NI STOSUR, HABANG HINDI NAMAN MALAMAN ANG GAGAWIN NG MGA ORGANIZERS SA IDINULOT NA BACKLOG SA SCHEDULE NI HURRICANE ISAAC.
DALAWA LAMANG SA ANIM NA NAKATAKDANG SINGLES MATCHES ANG NAKUMPLETO, DAHIL SA MALAKAS NA PAG-ULAN.
AT DAHIL INAASAHANG TATAGAL PA HANGGANG SA LINGGO ANG MGA PAG-ULAN SA “BIG APPLE”, NANGANGAMBA ANG MGA ORGANIZERS NA BAKA HINDI MATAPOS ON TIME ANG TORNEO.
ALINMAN KINA MARIA SHARAPOVA NG RUSSIA AT MARION BARTOLI NG FRANCE ANG MAKAKAHARAP NI AZARENKA SA SEMIFINAL.
[END]
Source: http://www.facebook.com/PTV4SPORTS/posts/279928738786785
Credit: Snow Badua
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment