Labels

Tuesday, August 28, 2012

WILL ALASKA STILL LEND 3 ACES TO GILAS PILIPINAS?

By: Snow Badua

BAHAGYA NAMANG NABALOT NG KALUNGKUTAN ANG PAGSISIYA NG BANSA SA CHAMPIONSHIP CONQUEST NG GILAS PILIPINAS SA NAKALIPAS NA JONES CUP.
KAGABI AY NAALARMA ANG TPV SPORTS MAGING ANG ILANG KAWANI NG MEDIA MATAPOS LUMABAS ANG ULAT NA PINAPA-PULL OUT NG ALASKA ACES ANG TATLONG KEYPLAYERS NG NATIONAL TEAM NA SINA LA TENORIO, SONNY THOSS AT MAC BARACAEL.
KATUNAYAN--- NAISAPUBLIKO RIN ANG ULAT N SA LAST FEW GAMES NG TEAM AY MAY NARECIVE UMANONG TAWAG ANG TATLO NA HUWAG NA SILANG LUMARO.
SA NGAYON AY HINDI PA NAGSASALITA ANG ACES MANAGEMENT TUNGKOL DITO.
PERO KAHIT SI TENORIO AY NAGSALITA SA PRINT MEDIA NA WALA SIYANG WORRY DAHIL NASA CLAUSE NG KANYANG KONTRATA ANG PAG ALLOW NA LUMARO SIYA SA NATIONAL TEAM.
GANITO RIN ANG KASO NI THOSS NA MAY NAKASAAD SA KONTRATA NA PUPUWEDE ITONG MAG NATIONAL PLAYER KAPAG TINAWAG NG BANDILA.
DAHIL DITO--- NAIIWAN KAY BARACAEL ANG PROBLEMA.
SAMANTALA--- PINILIT NAMING HINGAN NG PAHAYAG ANG ALASKA MANAGEMENT SUBALIT HINDI PO SUMASAGOT SA AMING TAWAG ANG MGA ITO.
AYON KAY GILAS PILIPINAS TEAM MANAGER BUTCH ANTONIO--- BUKAS LAGI ANG KANILANG LINYA NG KOMUNIKASYON SA ALASKA MANAGEMENT MAGING SA IBA PANG MOTHER TEAMS NG MGA GILAS 2 CAGERS.
SA NGAYON AY UMAASA SI ANTONIO NA HINDI TOTOO ANG MGA NASABING BALITA--- LALO’T INTEGRAL PART NG ROTATION NI COACH CHOT REYES ANG TATLONG ALASKA DRIBBLERS.


No comments:

Post a Comment